Barong tagalogKung wariin ko sa ngayon ay muling nagbabalik
Ang barong Tagalog na sadyang makisig. Mahaba-habang panahon nawaglit sa ating isip Na ito’y damit ng bansang kay hirap malupig. Ang barong ito ay tatak Pilipinong talaga Dapat nating mahalin sa tuwi-tuwina. Sa sariling bayan nati’y alinsangan Makapal na kayoy hindi kailangan. Ang barong Tagalog kahit sinamay lang Ginhawang gamitin sa lahat ng pagdiriwang. Nang maghimagsik itong ating bansa Dahil sa paglaya Ang barong Tagalog natin ay dakila Pagka’t siyang ginamit Ng bayaning namayapa. |
|
banahawAng huni ng ibon, aliw-iw ng batis
Sa bundok Banahaw Ay inihahatid, ay inihahatid Nang hanging amihan Kaya’t yaring abang puso Sakbibi nang madlang lumbay Sa sandaling ito, sa sandaling ito’y Naliligayahan. Halina, irog ko at tayo’y magsayaw Sa kumpas ng tugtog, tayo ay sumabay Dini naman sa lumang kudyapi Ikaw irog aking aawitan Sa saliw ng hanging palay-palay Sa bundok ng Banahaw. |
|
Ay, Ay, Ay, O, Pagibig
Buhat nang kita’y makita
Nadama ang pagsinta Ng puso kong nagdurusa Giliw ko, maawa ka. Huwag mo sanang pahirapan Puso kong nagdaramdam Pagka’t magpakailan man Ikaw ang tunay kong mahal. Ay, ay, ay, ay O pagibig Pagpumasok sa puso ay may ligalig Ay, ay, ay, ay, ay hanggang langit Ang pangako ng pusong umiibig |
|
Ano Daw Idtong Sa Gogon
Ano daw idtong sa gogon
Garong bulawan paghilngon Casu sacuyang dulucon Ay, ay burac palan nin balagon. Casu sacuya ng qui cu-a Sarong tingog ang nagsayuma Hariman aco pagcua-a Ay, ay burac aco ni Maria. |
|
Alaala Kita Sa Pagtulog
Akala mo yata kita’y nililimot
Alaala kita sa gabing pagtulog Ang inuunan ko luhang umaagos Ang binabanig ko ay sama ng loob. Di ka na nahabag, di ka na naawa. Lusak na ang lupa sa patak ng luha. Buksan mo na neneng ang munting bintana At ako’y dungawin nagmamakaawa. |
|
Ako’y Kampupot
Ako’y kampupot
Na bagong sikat Ang halimuyak Sadyang laganap Kaligayahan sa bawa’t oras Man din ang nais Tanging paglingap Kaya’t noong minsan Ay napakinggan Isang binatang Nananambitan Puso kong taglay Lubhang pihikan Ay narahuyo sa panawagan. Refrain: Nasaan yung pangarap Ng paglalambingan Tangan na ng aking hirang Alay ay kaligayahan Kay tamis nga naman Mabuhay ‘ta sa pagmamahal Kung ang ligaya ay makakamtam Sa habang buhay. |
|
Ako Ay Pilipino
Ako ay Pilipino
Ang dugo’y maharlika Likas sa aking puso Adhikaing kay ganda Sa Pilipinas na aking bayan Lantay na Perlas ng Silanganan Wari’y natipon ang kayamanan ng Maykapal Bigay sa ‘king talino Sa mabuti lang laan Sa aki’y katutubo Ang maging mapagmahal Ako ay Pilipino, ako ay Pilipino Isang bansa, ‘sang diwa ang minimithi ko Sa bayan ko’t bandila Laan buhay ko’t diwa Ako ay Pilipino Pilipinong totoo Ako ay Pilipino, ako ay Pilipino Taas noo kahit kanino Ang Pilipino ay ako. Ako ay Pilipino, ako ay Pilipino Taas noo kahit kanino Ang Pilipino ay ako. |
|
Ahay Turburan
Tubig nga matin-aw
Ga ilig sa ubos Gikan sa ibabaw Kon ako cumacancion May dalang kamingao Adios na ti adios Baya-an ta ikaw. Tubig na malinaw Umaagos paibaba Galing sa itaas. Kung aka ay umaawit May dalang kalungkutan Paalam na o paalam Ikaw ay aking iiwan. |
|
Magtanim ay Di Biro
Magtanim ay di biro
Maghapong nakayuko Di naman makatayo Di naman makaupo Bisig ko’y namamanhid Baywang ko’y nangangawit. Binti ko’y namimintig Sa pagkababad sa tubig. Kay-pagkasawing-palad Ng inianak sa hirap, Ang bisig kung di iunat, Di kumita ng pilak. Sa umagang pagkagising Lahat ay iisipin Kung saan may patanim May masarap na pagkain. Halina, halina, mga kaliyag, Tayo’y magsipag-unat-unat. Magpanibago tayo ng lakas Para sa araw ng bukas (Braso ko’y namamanhid Baywang ko’y nangangawit. Binti ko’y namimintig Sa pagkababad sa tubig.) |
|
Paruparong Bukid
Paruparong bukid na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan papagapagaspas Isang bara ang tapis Isang dangkal ang manggas Ang sayang de kola Isang piyesa ang sayad May payneta pa siya — uy! May suklay pa man din — uy! Nagwas de-ohetes ang palalabasin Haharap sa altar at mananalamin At saka lalakad nang pakendeng-kendeng. |
|
"Ang musika ay siyang aking kaluluwa at ang liriko ay siyang aking kwento."