Pagtalakay sa Wika
Ang Pilipinas ay maraming mga wika. Isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong daigdig. Maliban sa pambansang wika na Filipino kasama nang mahigit sa isang-daang(100) katutubong wika, sinasalita rin sa bansang ito ang mga wikang banyaga tulad ng Ingles, Mandarin, Fookien, Cantonese, Koreano, Kastila o Espanyol, at Arabe.
Ang mga katutubong wika sa Pilipinas ay napapaloob sa pamilya ng mga wika na kung tawagin ay mga wikang Austronesyo (Austronesian Languages). Ang mga ito ay ang pangkat ng mga wika na ginagamit ng mga tao mula sa Tangway ng Malayo (Malayan Peninsula) hanggang sa mga watak watak na pulo ng teritoryong Polynesia sa karagatang pasipiko.
Tinatayang ito ang may pinakamalaking pamilya ng mga wika sa buong daigdig. Ngunit mas maraming wika ang kasapi ng pamilyang ito, maliliit lamang ang bilang na pangkalahatan ng mga taong gumagamit nito.
Sa mga katutubong wika sa kapuluang Pilipinas, ang mga sumusunod ay tanyag at malimit gamitin sa bawat rehiyon ng bansa;
Ayon sa Konstitusyon ng Pilipinas:
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon.
Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.
Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles, at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.
Dapat magtatag ng Kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, maguugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili. ''Nakapahilis na panitik'''Makapal na panitik.
Tala ng 175 na wika sa pilipinas:
http://tl.wikipedia.org/wiki/Mga_wika_sa_Pilipinas#Tala_ng_mga_Wika
http://tl.wikipedia.org/wiki/Mga_wika_sa_Pilipinas#Mga_patay_na_wika
References:
http://tl.wikipedia.org/wiki/Mga_wika_sa_Pilipinas
Panitikang Pangrihiyon ng Pilipinas 1989
karagdangang pagbabasa:
http://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Filipino#Kasaysayan_at_sariling_katangian

- Filipino: Ang pangunahing wika sa bansa. Ito ay nakasalig sa pangunguna ng Tagalog kasunod ng iba pang umiiral na mga pagbigkas sa Pilipinas.
- Tagalog:Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Katimugang bahagi ng Luzon. Sinasalita ng 24% ng kabuuang bilang ng mga Pilipino sa buong kapuluan. taal na gamit sa mga lalawigan ngCavite, Laguna, Bataan, Batangas, Rizal, Quezon (kilala rin sa tawag na CALABARZON). Ginagamit rin ito sa mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan (kilala rin sa tawag na MIMAROPA). Ito rin ang pangunahing wika ng Pambansang Punong Rehiyon na siyang kabisera ng bansa.
- Ilocano: Kilala rin sa tawag na Iloko. Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Hilagang Luzon. Gamit sa Rehiyon 1 at 2.
- Panggasinan: Gamit sa lalawigan ng Pangasinan at ilang bahagi ng Hilagang Luzon at Gitnang Luzon.
- Kapampangan: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Gitnang Luzon.
- Bikolano: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Timog-Silangang Luzon.
- Sebwano: Tinatawag ding Bisaya. Pangunahing wika ng Lalawigan ng Cebu, Silangang Negros, Bohol at malaking bahagi ng Mindanao. Tinatayang sinasalita ng 27% ng kabuuang populasyon ng bansa.
- Hiligaynon: Tinatawag ding Ilonggo. Gamit sa mga lalawigan sa pulo ng Panay at Kanlurang Negros.
- Waray-Waray: Gamit sa Silangang Visayas tulad ng mga lalawigan sa mga pulo ng Samar at Leyte.
- e Sorot pa Dumaghet: sinaunang wika na may kaugnayan sa halos lahat ng pagbigkas sa Luzon at Bisaya dahil sa katandaan nito.Isa itong salita ng mga dumagat na mga agta o tawo sa lalawigan ng Rizal,bahagi ng Bulakan at Quezon.Ang salitang ito ay may dalawang kaurian ,una ang "Mangnah" at ang ikalawa ay "Baybay".Ang "baybay" ang panrehiyon na pangungusap nila sa lahat ng nasasaklawan ng pinanahanan ng mga kauri nilang agta.
Ayon sa Konstitusyon ng Pilipinas:
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon.
Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.
Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles, at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.
Dapat magtatag ng Kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, maguugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili. ''Nakapahilis na panitik'''Makapal na panitik.
Tala ng 175 na wika sa pilipinas:
http://tl.wikipedia.org/wiki/Mga_wika_sa_Pilipinas#Tala_ng_mga_Wika
http://tl.wikipedia.org/wiki/Mga_wika_sa_Pilipinas#Mga_patay_na_wika
References:
http://tl.wikipedia.org/wiki/Mga_wika_sa_Pilipinas
Panitikang Pangrihiyon ng Pilipinas 1989
karagdangang pagbabasa:
http://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Filipino#Kasaysayan_at_sariling_katangian
"Ang musika ay siyang aking kaluluwa at ang liriko ay siyang aking kwento."